Rep. Baguilat tutol na gawing state witness sa pork barrel scam si Napoles
Nagbabala si Ifugao Cong. Teddy Baguilat na maaaring gamitin laban sa oposisyon ang pagbubukas ng imbestigasyon sa pork barrel scam.
Ito ay sa harap pa ng pagkatig ng administrasyon na gawing state witness ang tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles.
Ayon kay Baguilat, kapag itinuloy na gawing state witness si Napoles ay magkakaroon ito ng pagkakataon para i-spin ang kwento para pumabor sa sarili nito at isakripisyo ang mga kalaban ng administrasyon.
Tiyak nagagawin ni Napoles ang lahat para makaligtas sa pananagutan at makalabas ng kulungan kahit nasa sentro ito ng pork barrel anomaly.
Para kay Baguilat, hindi kuwalipikado si Napoles na maging state witness dahil sa laki ng papel nito sa scam.
Katunayan, lumalabas na isa ito sa may akda, mastermind at tagasulsol ng korupsiyon sa paggamit ng pork barrel at patunay nito ang mga binuo ni Napoles na mga bogus NGO’s.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo