Pagharang ng Ombudsman na gawing state witness si Janet Lim Napoles sa PDAF scam iginagalang ng Malakanyang
Inirerespeto ng Malakanyang ang opinyon ng Office of the Ombudsman na harangin ang plano ng Department of Justice na gawing state witness si Janet Lim Napoles sa muling imbestigasyon ng PDAF o pork barrel scam.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na hindi minamasama ng palasyo ang pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na hindi papayagan ng mga special prosecutor ng Ombudsman na gawing state witness si Napoles.
Ayon kay Abella iginagalang ng Malakanyang ang independencia ng Office of the Ombudsman.
Inihayag pa ni Abella na ipinauubaya rin ng Malakanyang sa Department of Justice at sa hukuman ang isyu hinggil sa pagiging state witness ni Napoles sa pork barrel scam.
Ulat ni: Vic Somintac