200,000 ektaryang lupain, target ipamahagi ng pamahalaan sa mga magsasaka ngayong taon
Plano ng pamahalaan na ipamahagi sa mga farmer-beneficiaries ang 200 libong ektaryang lupang sakahan bilang bahagi ng socio-economic reform agenda ng peacetalks sa CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Government reciprocal working committee on Socio Economic reforms Chairman Roberto Ador, bagamat aminado siyang mahihirapan, target nilang mamahagi ng isang milyong ektaryang lupain sa mga benepisyaryo.
Aniya, 200 libong ektaryang sakahan muna ang kanilang ipapamahagi dahil limitado ang kapasidad ng DAR.
Magkagayunman, tiniyak ni Ador na makakapamahagi ng isang milyong ektarya sa loob ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, maliban pa ito sa dalawang milyong ektaryang lupain na may titulo ngunit hindi pa naka-install sa lupa.
Sa paghaharap muli ng pamahalaan at ng NDF peace panels sa The Netherlands sa May 27, inaasahang kasama sa agenda ang Comprehensive Agreement on Socio Economic Reforms o CASER na kinabibilangan ng land reform at rural development.
