Pinakahuling missile test ng Nokor, “Perfect” ayon kay KIM JONG UN

Ikinagalak ni North Korean leader Kin Jong Un ang tagumpay ng panibagong missile test ng Pyongyang.

“Perfect” kung ituring ni Kim ang pinakawalang intermwdiate-range ballistic missile na isang land based version ng submarine launched missile at may kakayahang magdala ng malaking nuclear warhead.

Ayon pa kay Kim, ‘very accurate” umano ang pagtama ng Pukguksong-2 Missile bilang kanilang strategic weapon.

Ang missile ay pinakawalan sa Pukchang county sa South Pyongan province ng North Korea na lumipad ng 500 kilometro.

Ang missile test ay itinao sa kasagsagan ng kauna-unahang foreign trip ni US President Donald Trump na ngayon ay patungong Israel mula sa dalawang araw na pagbisita sa Saudi Arabia.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *