Mga negosyante sa Mindanao binalaan ng DTI na sumunod sa umiiral na price freeze

0
dti1

Nagpa-alala ang Department of Trade and Industry sa mga negosyante sa buong Mindanao na tumalima sa umiiral na price freeze sa basic commodities.

Ayon kay DTI Usec. Ted Pascua, may mga kaukulang parusa ang hindi susunod sa nasabing batas at isa na rito ay ang pagkansela ng lisensya para sa negosyo.

Una rito, agad na umiral ang price freeze makaraang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Martial Law sa Mindanao.

Batay  sa RA 7581 o Price Act of the Philippines, kaakibat ng batas militar ang pagpapatupad ng price freeze, katulad din kapag may mga deklarasyon ng state of calamity, state of emergency at iba pa.

Sakop nito ang mga pagkain at kagamitan na karaniwang tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayang apektado ng anumang sanhi ng mga nabanggit na deklarasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *