Evacuees at mga sugatang sundalo personal na dadalawin ni Pangulong Duterte kaugnay ng Marawi siege
Pagdalaw sa mga evacuees na naapektuhan ng gulo sa Marawi at pangangamusta sa mga nasugatang sundalo na tumutugis sa Maute group ang magiging aktibidad ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Unang pupuntahan ng Pangulo ang pagtungo sa 2nd Mechanized Infantry Brigade ng Philippine Army sa Maria Cristina, Iligan City, Lanao del Norte.
Didiretso si Pangulong Duterte sa Andres Bonifacio Medical Center para kamustahin naman ang mga nasugatang kawal na nakipagbakbakan sa teroristang maute.
Kasunod naman na pupuntahan ng Pangulo ang Evacuation Center Gymnasium sa Barangay Maria Cristina sa kung saan naruruon ang maraming mga residenteng nagsilikas bunsod ng tensiyon sa lunsod ng Marawi.
Ulat ni : Vic Somintac
