Tag-ulan , opisyal nang idineklara ng PAGASA
Opisyal nang dineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang simula ng tagulan sa bansa.
Ayon sa mga opisyal ng PAGASA ang simula ng tagulan ay sa area lamang na nasa ilalim ng Type 1 climate na kasama dito ang National Capital Region, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Bulacan, Bataan, Pampanga, Zambales, Tarlac, Palawan, Mindoro, Cavite at Batangas.
Paliwanag ng PAGASA ang tuloy tuloy na pagulan at thunderstorm sa Metro Manila at iba pang area sa western section ng bansa ay dahil sa Southwest monsoon.
Patuloy namang makakaranas ang bansa ng above- normal rainfall condition sa loob ng dalawang buwan.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo