Bureau of customs pinaglalabas na ng guidelines sa batas na maglilibre sa buwis sa mga balikbayan boxes

0
IMG_0364

Kinakalampag ni Senador Sonny Angara ang Bureau of Customs na maglabas na ng guidelines para sa implementasyon ng tax free balikbayan boxes.

Ayon kay Senador Angara, chairman ng senate ways and means committee, inaasahan na ang pagdagsa ng mga balikbayan boxes ngayong holiday season pero wala pa ring kasiguruhan kung apapakinabangan ng mga OFW’S ang batas hinggil dito.

Noong nakaraang taon pa aniya nalagdaan ang Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff act kung saan malilibre na sa buwis ang pagpapadala ng mga balikbayan boxes na nagkakahalaga ng 150 thousand pesos.

Nauna nang sinuspinde ng customs ang paglalabas ng guidelines para sa libreng buwis sa mga bakikbayan boxes dahil sa sangkatutak na reklamo bunsod ng mga hinihinging requirements para sa tax incentives.

Batay sa Customs Administrative Order 05-2016, makakalibre lang sa buwis ang ipadadalang balikbayan boxes kung naka itemized ang laman nito at kailangang isumite ang kopya ng mga resibo ng mga brand new items kalakip ang kanilang kopya ng pasaporte.

Pero sabi ni Angara, hindi ganito ang intensyon ng inaprubahang batas kung saan hindi na papatawan ng buwis ang balikbayan boxes na nagkakahalaga ng P150,000.00 tatlong beses isang taon o hanggang P 450,000.00.

Ulat ni Meanne Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *