Isang miyembro ng Maute Group, arestado sa Valenzuela City.

Arestado sa Valenzuela City ang isang myembro ng maute group na umanoy financier ng teroristang grupo.

Kinilala ang suspek na si Aminkisa Romato Macadato na umanoy anak ng dating mayor ng Butig, Lanao del Sur na si Ibrahim Macadato.

Ayon kay Police Chief Supt. Noli Romana ng PNP CIDG, si Macadato ay sangkot sa pag atake ng Maute group sa 51st infantry brigade sa Butig, Lanao del Sur noong February 2016.

Kasama rin si Macadato sa listahan ng mga pinaaaresto sa ilalim ng martial law arrest order no.1 and 2 na pinalabas noon ni Pangulong Duterte.

Sinampahan na sya ng kasong illegal possesion of firearms and explosives dahil sa baril at granadang nabawi sa kanya.
Tumanggi naman ang CIDG na sabihin kung saan ngayon nakadetine si Macadato.

Ulat ni Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *