Tanggapan ng National Telecommunications Commission, isasailalim sa 3 araw na disinfection

89504788_632497867321467_7020246804067254272_n

Isinara na rin ang Punong tanggapan ng National Telecommunications Commission sa Quezon City dahil sa isasagawang 3 araw na paglilinis at disinfection dahil sa banta ng Covid-19.

Sa abiso ng NTC, sinabi na simula ala-1:00 ng hapon ng March 12 hanggang Biyernes, March 13 ay sarado ang NTC para bigyang-daan ang disinfecting sa gusali.

Magbabalik operasyon naman ang NTC sa Lunes, March 16.

Tiniyak ng NTC na maghihigpit nilang babantayan ang sitwasyon ukol sa Covid-19 na isa nang Pandemic.

Ulat ni Moira Encina