Pasok sa hudikatura ngayong araw hanggang alas 2 ng hapon lamang
Maagang pinauwi ang mga kawani ng hudikatura ngayong araw, December 23.
Sa memorandum order na may lagda ni Chief Justice Diosdado Peralta, sinabi na hanggang alas- 2 ng hapon lang ang pasok Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, at first at second-level courts.
Pinaikli ni Peralta ang work schedule sa hudikatura bilang konsiderasyon sa holiday season.
Gayunman, inatasan ni Peralta na magtalaga ng skeleton force sa ilang tanggapan.
Moira Encina
