Office of the Clerk of Court ng Baguio City RTC at Catbalogan City, Samar RTC, sarado pansamantala dahil sa mga kaso ng COVID-19

Naka-lockdown ang mga Office of the Clerk of Court ng mga regional trial courts ng Baguio City at Catbalogan City, Samar dahil sa mga kaso ng COVID-19.

Sa memorandum ni Catbalogan City RTC Executive Judge Cicero Lampasa, sinabi na sarado hanggang sa January 1, 2021 ang OCC dahil sa nagpositibo sa COVID ang isang kawani.

Nakasaad naman sa memorandum ni Baguio City RTC Executive Judge Maria Ligaya Itliong- Rivera na sarado hanggang sa January 2, 2021 ang OCC nito dahil sa isang kumpirmadong kaso ng virus.

Magsasagawa ng disinfection sa mga nasabing tanggapan habang nakalockdown.

Inatasan din ang mga empleyado na nakasalamuha ng mga COVID positive staff na sumailalim sa self-quarantine.

Moira Encina

Please follow and like us: