Academic Building na alay kay FPRRD binuksan sa Davao City  

0

Courtesy: Davao City acting Mayor Baste Duterte

Pormal nang binuksan kahapon, July 10, ang Rodrigo Duterte Academic Building sa Balay Dangupan sa Lower Cabantian, Buhangin Dis,Davao City.

Mismong si Davao City acting Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte ang nanguna sa inagurasyon kasama si acting vice mayor Rigo Duterte.

Ang naturang pasilidad ay handog ng supporters para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na ayon sa kanila, ay lider na nagnanais na magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga batang walang masisilungan, nalilihis ng landas at mga wala ng mga magulang.

Courtesy: Davao City acting Mayor Baste Duterte

Inumpisahan ang pagtatayo nito noong Marso 2024 na mismong si FPRRD  ang nanguna.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng supporters ng dating pangulo na sina  Krizzette Chu, dating NTF-ELCAC Secretary Lorraine Baduy, Jassy Ega,Tio Moreno, Joie Cruz at ilang myembro ng Davao City Council.

Courtesy: Davao City acting Mayor Baste Duterte

Nagpasalamat naman si acting Mayor Baste Duterte sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang adhikain ng kanyang ama, na hanggang sa ngayon ay nakakulong sa ICC Detention Facility sa The Hague, Netherlands at wala pang kasiguraduhan kung kailan makakauwi.

Noreen Ygonia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *