ALU-TUCP humirit ng ₱184 na umento sa sahod sa NCR

0
alu1

Naghain ng petisyon para sa umento sa sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa National Capital Region ang Associated Labor Unions -Trade Union Congress of the Philippines o ALU-TUCP.

Isandaan at walumput apat na piso ₱184ang hiniling na dagdag sa minimum wage ng ALU-TUCP, mas mataas sa nauna nilang plano na ₱157 pesos.

Ayon sa  grupo,  ibinatay nila ito sa mga datos mula sa NWPC o National Wage and Productivity Commission.

Batay sa datos ng NWPC, malaki na ang ibinagsak ng purchasing power o kakayahang makabili ng mga manggagawang tumatanggap ng minimum wage.

Umaabot na lamang sa tatlong daan at limamput pitong piso ₱357 ang tunay na halaga ngayon ng ₱491 na minimum wage sa NCR batay sa itinaas ng presyo ng mga bilihin at pangunahing serbisyo.

Nakapaloob rin sa petisyon ng ALU-TUCP ang limandaang piso ₱500 kada buwan na subsidy para sa mga minimum wage earners sa loob ng isang taon upang makatulong sa kanilang budget para sa pagkain at kalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *