Apat na pasahero sugatan nang tumaob ang sinasakyang E-bike sa Avenida, Maynila

0
photo_2025-05-27_16-58-08


Courtesy : Manila DRRMO

Apat katao ang nasugatan nang tumaob ang isang E-bike sa panulukan ng Recto at Avenida malapit sa Isetann.

Nagtamo ng iba’t ibang galos sa mukha, tuhod at kamay ang mga biktima sa nangyaring insidente.


Courtesy : Manila DRRMO

Ayon sa mga saksi, biglang ki-nut ng isang motorsiklo ang E-bike kaya biglang napapreno ang tsuper at kinabig ito sanhi upang ito ay bumaligtad.

Matapos gawaran ng paunang lunas, ang mga pasyente ay agad na dila sa pinakamalapit na pagamutan, lulan ng dalawang ambulansya.


Courtesy : Manila DRRMO

Manny De luna

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *