Sisenta’y tres anyos na Korean national, nahulihan ng pinaghihinalaang shabu sa NAIA Terminal 1


Courtesy: PNP-AVSEGROUP
Isang 63-anyos na Korean national ang hinuli dahil sa pagtatangkang magpuslit ng hinihinalang iligal na droga sa NAIA Terminal 1.
Ito ay pamamagitan ng isang coordinated effort sa pagitan ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP), NAIA PDEA Drug Interdiction Task Group at Office for Transportation Security.

Courtesy: PNP-AVSEGROUP
Sa isinagawang screening sa Central Security Screening Checkpoint ng nasabing terminal, napansin ng isang OTS X-ray operator ang image ng isang hindi pangkaraniwang bagay loob ng bag ng suspek.
Nang dumaan na sa manu-manong inspeksiyon ay nadiskubre ang tatlong lighter na itim, dalawang piraso ng aluminum foil (pinaghihinalaang drug paraphernalia) at isang plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance, na hinihinalang shabu.

Courtesy: PNP-AVSEGROUP
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng PNP AVSEGROUP ng NAIA Police Station 1 at nakipag-ugnayan sa mga miyembro ng NAIA-PDEA Drug Interdiction Task Group (DITG).
Nakumpirma sa isang chemical field analysis gamit ang Rigaku Raman Analyzer, na presensiya ng Methamphetamine Hydrochloride, na kilala rin bilang shabu.

Courtesy: PNP-AVSEGROUP
Natuklasan din sa K9 paneling at masusing pagsusuri ang humigit-kumulang 5 gramo ng illegal substance, na karaniwang nagkakahalaga ng P34,000.00.
Ang suspek ay itinurn-over na sa PDEA Headquarters para sa detensyon at pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Section 26 in relation to Section 5, Article 2 of R.A. 9165 (Attempted Transport of illegal Drugs)
Archie Amado