Appointment ni SSS Chairman Amado Valdez, hindi na ni-renew ng Malacañang

Sinabihan na ng Malakanyang si Social Security System o SSS Chairman Amado Valdez na hindi na ni-renew ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nsninilbihan lamanh si Valdez bilang hold over capacity dahil ang kanyang official appointment bilang SSS Chairman ay nagtapos na noon pang June 30, 2017.

Ayon kay Roque hindi narin ni-renew ng Pangulo ang appointment ni SSS Commissioner Jose Gabriel La Vińa na nagpaso narin ang appointment noong June 30, 2017 at nasa hold over capacity.

Inihayag ni Roque na iaanunsyo ng Malakanyang ang kapalit ni Valdez at La Vińa sa mga susunod na araw.

Samantala itinalaga na,an ng Malakanyang si MMDA Assitant General Manager Jose Arturo Garcia Jr. bilang MMDA General Manager kapalit ni Tim Orbos na itinalaga bilang Undersecretary ng Department of Transportation.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *