Australian athletes sinimulan nang bakunahan para sa Tokyo Olympics
BRISBANE, Australia (AFP) – Nakahinga ng maluwag ang three-time Olympian na si Cate Campbell, dahil inumpisahan na ang pagbabakuna sa Australian team laban sa CODIV-19.
Bagama’t ang Australia ang isa sa pinaka matagumpay na mga bansa sa mundo na napigil ang pagkalat ng virus, malayo pa rin ito sa mismong schedule ng kanilang gobyerno para sa pagbabakuna.
At dahil sa July 23 na sisimulan ang Tokyo Games, sumang-ayon ang Canberra na bilisang magkaroon ng bakuna para sa lahat ng mga atletang bibiyahe sa Japan.
Ang vaccine rollout ay nag-umpisa sa swimming star na si Campbell, na binakunahan sa Queensland Academy of Sport sa Brisbane.
Aniya . . . “We are going into a pretty unknown situation over in Tokyo, so to have this little band-aid is a huge weight off everyone’s shoulders.”
Nasa dalawang libong Australian athletes at staff ang magtutungo sa Tokyo para sa Olympics at Paralympics.
@ Agence France-Presse