Bilang ng namatay dahil sa leptospirosis sa Quezon City, umakyat na sa 13

0

Courtesy: QC Epidemiology and Surveillance Division

Labingtatlo na ang namatay dahil sa leptospirosis sa Quezon City, mula Enero 1 hanggang June 30, 2025.

Batay ito sa pinakahuling tala ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division.

Ang nasabing bilang ay mas mataas ng 86% kumpara sa naitalang namatay noong 2024 sa kaparehong panahon.

Pinakamaraming naitalang kaso ay mula sa District 2.

Courtesy: QC Health Dept. Official FB

Ang leptospirosis ay isang malubhang sakit na maaaring makuha sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng daga at iba pang hayop.

Una nang sinabi ng local government ng Quezon City (QC LGU), na mas tumataas ang kaso ng sakit kapag maulan ang panahon.

Payo ng QC LGU, para makaiwas sa leptospirosis, gumamit ng proteksyong pambaha tulad ng raincoat at bota. Iwasan ding mapasukan ng tubig ang mga mata o bibig.

Sakali namang lumusong  sa baha, ay agad na magtungo sa pinakamalapit na health center para sa libreng konsultasyon at gamot gaya ng Doxycycline bilang prevention laban sa leptospirosis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *