Higit 14 na milyong pisong halaga ng nasabat na sibuyas sa Port of Manila positibo sa E. coli at salmonella

Nagpositibo sa E. coli at salmonella ang 14 na milyong posong halaga ng mga nasabat na sibuyas sa Port of Manila.
Batay na rin ito sa ginawang pagsusuri ng Department of Health (DOH).

Ayon pa sa DOH, ang smuggled na pagkain ay banta sa kalusugan dahil sa posibleng kontaminasyon ng mikrobyong maaaring magdulot ng pagtatae, dehydration, at posibleng pagkamatay.
Una rito nasabat ng Bureau of Customs-Port of Manila ang nasabing sibuyas kasama ang humigit kumulang P20 milyun na halaga ng frozen mackerel.

Kasama ang DOH, BOC at Department of Agriculture, ininspeksyon nila ang mga puslit na kargamento na nakalagay sa anim na 40-foot container.
Wala pa namang inilalabas na resulta ang DOH kung maaaring mapakinabangan o makain ang mga frozen mackerel na galing sa China.
Madelyn Moratillo