Bilang ng patay sa pagsabog sa Manchester Arena, umakyat na sa 22
Umakyat na sa 22 ang nasawi sa concert ng US singer na si Ariana Grande sa Manchester Arena.
Nasa 59 naman ang sugatan sa nasabing terror attack kabilang ang ilang bata.
Nagpahayag naman ng pagkondina ang ibat-ibang bansa sa nasabing insidente.
Kinumpirma naman ng Department of Foreign Affairs na walang Pilipino na nadamay sa naturang terror attack.