Biyahe ni Pangulong Duterte sa Japan hindi na itutuloy ng Malakanyang dahil sa gulo sa Marawi City
Kinumpirma na ng Malakanyang na hindi na tutuloy si Pangulong Duterte sapagbiyahe sa Japan sa June 5 hanggang June 6.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na nagpadala na ng abiso sa Japanese government ang Department of Foreign Affairs o DFA na itutuloy ng Pangulo ang kanyang biyahe sa Japan sa ibang pagkakataon na pagkakasunduan ng dalawang bansa.
Dadalo sana si Pangulong Duterte sa 23rd Nikkie International Conference on the Future of Asia sa Japan.
Ayon sa Malakanyang abala at nakatutok si Pangulong Duterte sa military operations sa Marawi City upang tuluyang mabawi ang lungsod sa kamay ng mga teroristang Maute group na siyang dahilan ng pagdedeklara ng martial law sa buong Mindanao.
Ulat ni: Vic Somintac
