Box colbert sa Roxas boulevard , ininspeksyon

275746058_270582795238790_1707915360493248797_n

Ininspeksyon naman ng mga opisyal ng MMDA ang ginagawang box colbert sa Southbound lane ng Roxas boulevard.

Nais makatiyak ng MMDA  na on time at tutuparin ng DPWH ang pangakong tatapusin ang pagkukumpuni sa kalsada sa loob ng tatlong buwan na matatapos na bukas.

Sa ngayon nananatiling sarado ang may halos isandaang metro ng kalsada sa Southbound lane ng Roxas boulevard sa harap ng libertad pumping station.

Meanne Corvera