Mga kolorum na PUV’s ipina impound ng MMDA

Aabot na sa mahigit limampung provincial buses at mga kolorum na public utility vehicle ang ipina impound ng MMDA.

Ayon kay MMDA Chairman Romande Artes, nahuli ang mga kolorum at out of line na mga PUV sa kanilang operasyon sa C5, Macapagal boulevard at major roads sa Pasay city.

Pinaigting aniya ang operasyon sa mga lansangan para alisin ang mga kolorum at mga obstruction para mapaluwag  ang mga lansangan.

Malaking tulong raw ito para sa mga motorista ngayong mahal ang presyo ng diesel at gasolina.

Meanne Corvera

Please follow and like us: