BuCor –TADECO deal si Pang. Duterte ang dapat na magkansela

0
tadeco

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang marapat na magkansela ng joint venture agreement o JVA ng Bureau of Corrections o Bucor at Tagum Agricultural Development Company o TADECO.

Ito ang rekomendasyon ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre, sa pagdalo nito sa joint investigation ng Kamara ukol sa umano’y maanomalyang kontrata.

Ayon kay Aguirre, ang kanselasyon ng Presidente sa BuCor-TADECO deal ay ang pinakamabilis na paraan para mapa-walang-saysay ang JVA ng dalawa.

Isa pa aniya sa paraan para makansela ang JVA ng BuCor at TADEDO ay ang paghahain ng petisyon sa korte, na mas kakain ng panahon.

Kinumpirma ni Aguirre na kanyang aatasan ang BuCor na maghain ng petisyon dahil may legal personality ito para gawin ang naturang hakbang bilang contracting party.

Sa ngayon, sinabi ni Aguirre na mayroon nang kaso laban sa TADECO sa Office of the Ombudsman, at handa aniya ang DOJ na magsumite ng opinyon para makatulong sa pagsisiyasat ng anti-graft body.

Samantala,  nag inhibit si Davao del Norte Cong. Antonio Floirendo sa imbestigasyon dahil pag aari ng kanilang pamilya ang TADECO habang miyembro siya ng Justice committee.

Sa kanyang liham sa dalawang komite, sinabi ni Floirendo na tanggap niya ang imbestigasyon dahil pagkakataon ito para linisin ang kanilang pangalan pati ng TADECO.

Ang JVA sa  ng BuCor at TADECO ay pinasok noon pang July 1969, para sa pag-upa sa mahigit limang libong ektaryang lupain ng Davao Penal Colony.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *