VP Robredo hiniling sa SC na ibasura ang pinakabagong mosyon ni dating Sen. Marcos

Nais ni Vice-President Leni Robredo na ibasura ng Korte Suprema na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal ang pinakabagong mosyon ni dating Senador Bongbong Marcos.

Ito ay kaugnay sa kahilingan ni Marcos na ibasura ng PET ang counter-protest ni Robredo laban sa kanya matapos mabigong magbayad sa oras ang Pangalawang Pangulo.

Sa kanyang mosyon, iginiit ni Robredo na moot and academic na ang kahilingan ni Marcos dahil nabayaran naman niya ang inisyal na deposito sa kanyang counter-protest fee noong May 2.

Katwiran pa ni Robredo hindi mandatory ang pagbasura ng PET sa election protest dahil sa hindi pagbabayad ng deposito sa itinakdang deadline.

Dapat aniyang ituring ng Korte Suprema na ‘sham pleading’ ang mosyon ni Marcos at dapat na ibasura o alisin sa rekord nito.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *