Buong Senado nagluluksa sa pagkamatay ni dating Senate President Juan Ponce Enrile

Nagluluksa ang buong Senado sa pagkamatay ni dating Senate President Juan Ponce Enrile.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto, mahabang panahon ang ginugol ni Enrile para sa public service.
Lagi anyang maaalala si manong Jhonny dahil sa pagkakaroon ng matalas na isip at pagkakaroon ng malasakit sa mga empleado ng Senado.
Sinabi ni Majority Leader Juan Miguel Zubiri, na hindi nya makakalimutan ang dedikasyon ni Ernile para matiyak ang integridad ng Senado.
Marami din namang natutuhan si Sen. JV Ehercito kay Enrile na dating seatmate.

Ayon kay Ejercito, “For those years na magkatabi kami, I learned a lot of wisdom. Ang mga advises nya, mga itinuturo, helped me a lot.”
Si Senator Jinggoy Estrada naman ay tila nawalan ng isang ama at kaibigan sa pagkamatay ni Enrile.
Nagpapasalamat si Estrada sa lahat ng kaniyang natutuhan kay Enrile.
Aniya, “He was more than a mentor — he was a father figure whose wisdom, guidance, and unwavering support shaped much of my first two terms in the Senate. I will forever be grateful for the trust he extended to me, the lessons he imparted, and the example he set as a leader of intellect, courage, and conviction.”
Sa Nov 19 ay nakatakdang magsagawa ng necrological ang Senado para kay Enrile.
Meanne Corvera