Buyout sa MRT3 pinag aaralan na ng gobyerno

0
mrt2

Itutuloy na ng gobyerno ang planong pagbili sa Metro Rail Transit o MRT3.

Nauna nang naglabas ng Executive Order 126 ang Aquino administration para bilhin ang MRT noong 2013 sa MRT Corporation sa halagang 53 billion pesos pero hindi ito natuloy.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services, sinabi ni Transportation Undersecretary Ceasar Chavez na plano ng gobyerno na magbayad sa MRTC ng rental fee na 610 million kada buwan na tatagal ng pito hanggang walong taon.

Sakaling maipursige ang buy-out, isusulong na ng gobyerno ang pagsasapribado ng operasyon at maintenance ng MRT3 sa ilalim ng Light Rail Transit Authority o LRTA.

Ulat ni: Mean Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *