Calayan Cagayan, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

0
cagayan

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang bayan ng Calayan sa Cagayan.

Naitala ang pagyanig kaninang pasado alas sais ng umaga  sa 37 kilometro  hilaga ng Calayan.

May lalim na 9 kilometro ang lindol at tectonic ang origin.

Dahil sa nasabing lindol, naitala ng Phivolcs ang intensity 2 sa Laoag City.

Naitala din ang intensity 2 sa Pasuquin at Sinait Ilocos Norte.

Ayon sa Phivolcs, maaring magdulot ng afterschocks ang nasabing pagyanig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *