Patay sa Central Park Tower Condominium, umakyat na sa anim

Umakyat na sa anim ang patay kabilang na ang suspek matapos ang naganap na pananaksak sa lungsod ng Pasay.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Oscar Albayalde, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang suspek na si Robert Garan at ang sinasabing kasintahan nito na si Emelyn Sagun.

Dahil sa pangyayari ay sinaksak nito at hinulog pa mula sa ika-16 na palapag ng Central Park Tower Condominium ang kasintahan..

Bawat makasalubong nito ay kaniyang sinasaksak.

Napatay nito ang 12-anyos na babae, isang matandang lalaki at isang babae na nasa hustong gulang na.

Napatay ng mga rumespondeng kapulisan ang suspek sa ika-22 palapag ng gusali.

Nakuha sa kostodiya ng suspek ang isang kalibre 38 na baril at ang ginamit nitong kitchen knife.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *