Canada, naglabas na rin ng travel ban sa Mindanao kasunod ng Martial Law declaration
Nagpalabas na ng abiso ang Global Affairs Canada o GAC sa kanilang mga kababayan na iwasan na ang magtungo sa Mindanao dahil sa banta ng terror attack at kidnapping.
Nakasaad sa advisory na limitado na rin ang pagbibigay ng consular assistance ng Canada sa rehiyon.
Nagpa-alala rin ang GAC sa kanilang mga mamamayan na iwasan nang magtungo sa Davao City kung hindi naman kailangan at iwasan rin ang pagbiyahe sa Sulu at Sulu Sea at maging sa Palawan dahil sa banta naman ng pirata at kidnapping.
Pinapaiwas rin ang kanilang mga kababayan na magtungo sa mga matataong lugar.
Matatandaang una nang nagpalabas ng travel advisory ang Estados Unidos at United Kingdom kasunod ng bakbakan sa Marawi City na naging sanhi ng Martial Law declaration.
