Cashier ng Maguindanao Electric Cooperative o MAGELCO, inambush

0

Sugatan sa pananambang ang isang 44-anyos na babaeng cashier sa Maguindanao Electric Cooperative o MAGELCO.

Nangyari ito sa Diversion Road sa Barangay Tamontaka, bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, Huwebes ng gabi.

Ayon sa PNP Maguindanao, ang biktima ay nakilalang si Kubaisa Kanakan Sinsuat.

Sakay ang biktima ng kaniyang Toyota Vios na may plakang MBD 6872.nang mangyari ang pananambang.

Nagtamo ng mga tama ng bala ang biktima na agad namang naisugod ng emergency responders sa isang hospital sa Cotabato City, mga pitong kilometro mula sa pinangyarihan ng krimen.

Ely Dumaboc

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *