China niyanig ng magnitude 7.0 na lindol, 13 patay 175 sugatan

0
0512-for-webEARTHQUAKEmap (1)

LabingtaTlo na ang patay at mahigit 175 ang sugatan  sa magnitude 7.0 na lindol sa China.

Ayon sa US Geological Survey, ang lindol ay tumama sa magkaka-hiwalay na lugar 200 km (120 miles) hilagang-kanluran ng siyudad ng Guangyuan sa lalim na 10km (6 miles) kung saan malapit ang tourist destination na Jiuzhaigou.

Ayon sa Gobyerno ng Sichuan, 100 ang na-trap dulot ng landslide na dulot ng lindol.

Anim na turista ang kabilang sa mga nasawi sa nangyaring paglindol.

Humigit-kumulang  31, 500 naman  ang lumikas.

Ayon sa Sichuan fire service , gumuho ang isang reception area ng isang hotel kung saan ay mayroong ilang na-trap.

Mapayapa namang nakalabas ang 2,800 na tao sa building.

Ang sentro ng lindol ay ang Ngawa Prefecture kung saan karamihan sa mga residente ay Ethnic Tibetans.

Ulat ni: Lynn Shayne Fetizanan

 

 

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *