Court Administrator Jose Midas Marquez at iba pang CA Justices, nagsumite ng aplikasyon sa mababakanteng pwesto sa SC

0
midas

Mayroon nang labing-dalawang aplikante para sa babakantehing posisyon sa Korte Suprema ni Associate Justice Bienvenido Reyes na magreretiro sa July 6, 2017.

Kabilang sa mga bagong pangalan na naghain ng aplikasyon sa SC post sina Court Administrator Jose Midas Marquez,CA Justice Ramon Paul Hernando at CA Justice Ramon Bato.

Si Marquez ay inendorso ng Philippine Judges Association sa JBC para sa nasabing pwesto.

Bago naging Court Administrator, dating Chief of Staff si Marquez ni Chief Justice Reynato Puno at hepe ng Public Information Office ng Korte Suprema noong panahon ni dating punong mahistrado Renato Corona.

Si CA Justive Hernando naman ay bar reviewer at examiner at dating piskal sa DOJ at nagingRTC Judge sa San Pablo, Laguna at Quezon City .

Dati ring RTC Judge si CA Justice Bato at nakilala sa pagbasura sa kasong kriminal laban kay Senador Ping Lacson sa Dacer Corbito case.

Ulat ni: Moira Encina

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *