COVID-19 cases sa Olongapo, umabot na sa 3,329

IMG_20210818_141810

Naragdagan ng 17 bagong positive cases ang lungsod ng Olongapo.

Ayon sa inilabas na datos ng Olongapo City Information center, sumampa na sa 3,339 ang kabuuang kaso ng COVID-19, at may 354 na aktibong kaso ngayon sa lungsod.

Nananatili namang nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine o MGCQ ang Olongapo ngayong Agosto.

Ayon kay Dr. Rodrick J. Bustamante, City Health Officer, patuloy ang pagbabakuna sa lungsod na isa sa pinakamabisang lunas sa kasalukuyan para labanan ang COVID-19.

Patricia May Balaoing