Crisis Management Committee, bubuuin ni Mayor Erap matapos ang serye ng pagsabog sa Quiapo

0
quiapo

Binabalak ni Manila Mayor Joseph Estrada na bumuo ng isang crisis management committee na mangunguna sa mga aksidenteng katulad ng Quiapo bombing.

Ayon kay Estrada mas mapapabilis ang pag aksyon sa mga pulis at city hall personel dahil bubuuing crisis management.

Dagdag pa ni Estrada matututukan din  ang paggamit ng available asset sa ilalim ng isang command at control system.

Itinalaga ni Estrada si Johnny Yu bilang head ng  Manila Disaster Risk Reduction and Management Committee para isaayos ang mga patakarang susundin ng  crisis management committee.

Giit ni Yu importanteng magkaroon ng crisis management body pagkatapos ng mga  naging pagsabog sa Quiapo at sa pumalpak na pagsabog sa US embassy noong nakaraang taon.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *