Curfew, ipatutupad sa ilang bahagi ng Mindanao – Pangulong Duterte
Posibleng magpatupad ng curfew sa ilang bahagi ng Mindanao kasunod ng pagdedeklara ng Martial Law sa nasabing rehiyon.
Kabilang dito ang Lanao del Sur, Lanao del Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat at North Cotabato.
Ayon sa Pangulo, layunin lamang nito na paprotektahan ang mga sibilyan sa nasabing mga lalawigan.