Dalawang araw na tigil-pasada dahil sa planong phase-out ng jeepney kasado na sa susunod na linggo
Kasado na sa susunod na linggo ang dalawang araw na transport strike na pangungunahan ng National Confederation of Transport Workers Union.
Sinabi ni NCTU Chairman Ernie Cruz na gagawin ang tigil-pasada sa May 22-23.
Layunin ng protesta na iparating sa pamahalaan ang kanilagn pagtutol sa Traffic Crisis Act of 2016 kung saan nakapaloob ang pag-phase out sa mga pampasaherong jeepney na may edad labinlima (15) pataas.
Giit ng NCTU maraming mga tsuper at operator ng mga jeepney ang mawawalan ng hanap-buhay kapag itinuloy ang jeepney phase-out.
Ngayon pa lamang ay humihingi na sila ng pang-unawa sa publiko kaugnay sa gagawing kilos-protesta.
Umaasa rin ang grupo ni Cruz na makikiisa sa kanilang gagawing dalawang araw na tigil-pasada ang iba pang transport group sa bansa.