Dalawang wanted na South Korean naaresto na naman ng Bureau of Immigration

0
bid 1

Muling naaresto ng Bureau of Immigration ang dalawang wanted na South Korean na nakatakas mula sa detention facility ng kawanihan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nadakip muli ang dalawa sa ginawang pagsalakay ng BI Intelligence Division at PNP-CIDG sa kanilang apartment sa Brgy San Pablo sa Tarlac City.

Sina Park Wangyeol at Jung Jaeyul na mga hinihinalang myembro ng sindikato na sangkot sa gun for hire ay tumakas mula sa Camp Bagong Diwa noong March 6.

Armado ang dalawang dayuhan, pero hindi na nakapanlaban dahil sa biglaang pagdating ng mga otoridad.

Nasabat  mula sa kanila ang isang kalibre trentay otsong revolver, mga bala, pekeng ID at ilang mga credit card na nakapangalan sa ibang Korean national.

Beinte kwatro oras na rin na babantayan ang dalawa ng BI warden hanggang sa sila ay maideport.

Si Park ay nasa ilalim ng red notice ng Interpol dahil sa hinalang dawit siya sa pagpatay sa tatlong Koreano sa Pampanga noong 2016.

Ulat ni: Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *