Dating chief justice ng Nepal na si Karki malamang na maitalaga bilang interim PM

0

Nepal’s former Chief Justice Sushila Karki | Photo Credit: REUTERS

Malamang na maitalaga bilang pansamantalang punong ministro ng Nepal, ang dating punong mahistrado na si Sushila Karki, kasunod ng matinding protesta laban sa katiwalian na humantong sa pagbibitiw ni K.P. Sharma Oli.

Ang pinakamatinding kaguluhan sa Nepal sa mga nakalipas na taon, na ikinamatay ng 34 katao noong nakaraang linggo at ikinasugat ng mahigit 1,300 ay bunsod ng pagbabawal sa social media, na ngayon ay ibinalik na. Ang karahasan ay humupa lamang pagkatapos magbitiw ni Oli.

Ayon sa isang constitutional expert na kinonsulta ni President Ramchandra Paudel at army chief Ashok Raj Sigdel, na ayaw magpabanggit ng pangalan dahil sensitibo ang mga negosasyon, “Sushila Karki will be appointed interim prime minister. They (Gen Z) want her. This will happen today.”

Ang appointment ni Karki ay malamang na pormal na gagawin kasunod ng isang pulong sa tirahan ni Paudel.

Hindi naman tumugon ang tanggapan ng pangulo at tagapagsalita ng army, nang hingan komento tungkol sa bagay na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *