Dating Congressman Arnie Teves, Jr., binasahan na ng sakdal para sa illegal possession of firearms and explosives
Binasahan na rin ng sakdal si dating Congressman Arnolfo”Arnie” Teves, Jr., para sa kasong illegal possession of firearms and explosives sa Manila RTC.

Hindi pa consolidated ang kaso kaya magkahiwalay ang ginawang arraignment kay Teves para sa firearms at explosives.
Hindi nagpasok ng plea si Teves sa dalawang kaso at iginiit ang kanyang karapatan “to remain silent.”
Dahil dyan, korte na ang nagpasok ng not guilty plea para kay Teves.
May kaugnayan ang kaso sa iba’t ibang armas at bala at pampasabog na natagpuan sa bahay nito sa Bayawan sa Negros noong March 10,2023.
Hiniling naman ng prosecution sa korte na i-consolidate ang kaso dahil pareho rin naman ang mga testigo nila rito.
Hindi naman tumutol ang kampo ni Teves rito kaya inaprubahan na rin ito ng korte.
Pagkatapos ng arraignment, isinunod naman ang pre trial sa kaso.
Dito nagsumite ng kanya-kanyang affidavit at pangalan ng mga testigo ang magkabilang panig
Nagtakda na rin ng mga petsa ng susunod na hearing hanggang 2027.
Sa gitna ng hearing hiniling naman ni Teves na matanggal ang posas nya dahil sumakit ang kamay nya.
Natapos ang pagdinig pasado 11 na, pagkatapos ay balik NBP na si Teves.
Itinakda naman ang pormal na pagsisimula ng trial sa kaso sa Hulyo29, kung saan unang magpiprisinta ng testigo ang prosekusyon.
Madelyn Moratillo