Dating DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya sumipot na sa pagdinig ng Senado sa isyu ng kapalpakan ng MRT

0
abaya

Nagsimula na ang pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senadora Grace Poe kaugnay ng mga kapalpakan at anomalya sa mga kontrata sa Metro Rail Transit o MRT.

Sumipot sa pagdinig ngayong unaga si dating Transportation secretary Joseph Emilio Abaya.

Si Abaya ang isa sa mga nakukuwestyon sa anonalya sa pagbili  ng mga bagong bagon na hindi pala tugma sa riles ng MRT.

Sa kaniyang opening statement sinabi ni Poe na tila may naganap na mafia sa mga kontrata sa MRT na kailangang sagutin ngayon ni Abaya.

Bukod kay Abaya, nasa pagdinig ngayon ang mga kasalukuyang opisyal ng DOTr at MRT.

Ulat ni : Mean Corvera

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *