Dating Vice Mayor ng San Juan City Francis Zamora, sinampahan ng reklamong vote buying sa COMELEC

0
franciszamora

Ipinagharap ng reklamong vote- buying at undue influence sa COMELEC ang dating Vice Mayor ng San Juan City na si Francis Zamora kaugnay ng isinusulong na recall petition laban kay Mayor Guia Gomez.

 

Paglabag sa Section 261 ng Omnibus Election Code ang isinampa laban kay Zamora.

 

Ayon sa mga complainant na sina Lucila Robles at Veradel Surmieda, mga residente ng San Juan City, ang pagbili ng boto ay ginawa sa pamamagitan ng educational assistance.

 

Kapalit anila ng natanggap nilang dalawang libo hanggang tatlong libong piso ay ang pagpirma nila sa petition for recall.

 

Pinalabas ng kampo ni Zamora na ang dokumento na kanilang nilagdaan ay para sa  Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

 

Isinumite ng mga complainant ang photocopy ng tatlong tig-isang libong piso na natanggap nila mula kay Zamora.

 

Noong nakaraang linggo, naghain ang mga supporters ni  Zamora ng recall petition sa COMELEC para mapalitan si Gomez sa posisyon na inaakusahan nila ng katiwalian, incompetence at abuse of power.

Ulat ni: Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *