Deklarasyon ng Martial Law ni Pang. Duterte sa Mindanao, suportado ng mga Senador

0
digs2

Suportado ng mga Senador ang pagdedeklara ng Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng nangyaring pag atake sa Marawi City.

Ayon kay Senate Pro Tempore Ralph Recto, drastic at dramatic ang halbang ng Pangulo at posibleng ibinatay ito sa hawak na inteligence information.

Pero sabi ni Recto hihintayin pa rin ng Senado ang paliwanag ng Pangulo sa loob ng apatnaput walong oras batay sa itinatakda ng saligang batas

Kinikilala rin ni Senador Francis Escudero ang desisyon ng Pangulo.

Bahagi lang aniya ito ng kapangyarihan ng Pangulo kung may nagaganap na invasion o rebellion.

Pero paalala ni Senador Sonny Angara, sanay hindi maabuso ng mga pulis at sundalo ang kanilang kapangyarihan.

Umaapela rin ito sa mga sibilyan na maging mapagmatyag at huwag tuluyang isantabi ang batas.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *