DFA, pinagpapaliwanag sa mabagal na paglalabas ng passport

249488513_245756737589690_1156933485359292658_n

Pinagpapaliwanag ni Senador Aquilino “Koko ” Pimentel ang Department of Foreign Affairs o DFA sa mabagal na pag-iisyu ng pasaporte.

Ayon kay Pimentel , nakatanggap siya ng reklamo na ang renewal ng passport ay aabot na ng tatlo hanggang anim na buwan.

Dahil dito , apektado ang biyahe lalo na ng mga Overseas Filipino Workers.

Kailangan aniyang ipaliwanag ng DFA bakit tumagal ang proseso na dati ay inaabot lang ng isang linggo.

Meanne Corvera