Freedom of Information Bill, isusulong ng Lacson-Sotto tandem

Isusulong ng tambalan nina Senador Ping Lacson at Senate President Vicente Sotto III ang pagsasabatas ng Freedom of information bill.

Kapwa sinabi ng mga Senador na kung papalarin na maupo sa susunod na administrasyon, igigiit nila ang pagsasabatas ng panukala.

Ayon kay Lacson, pinapahalagahan nila ang malayang pamamahayag at tiniyak na magkakaroon ng transparency sa administrasyon.

Wala anilang dahilan ang gobyerno para magtago lalo na sa mga pinapasok na kasunduan.

Aminado naman ang mga Senador na kailangan nilang baguhin ngayon ang kanilang communications strategy para maipaalam ang kanilang mensahe sa taumbayan.

Mas nakatutok raw sila sa paghahatid ng isyu at mga plataporma sa kampanya sa halip na gayahin ang ibang teknik ng mga kumakandidato.

Meanne Corvera

Please follow and like us: