DOH, inatasan ni Pangulong Duterte na bumili ng karagdaragang RT PCR machines at test kits
Inoobliga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health o DOH na bumili pa ng karagdagang RT PCR machines at test kits.
Sinabi ng Pangulo na nakarating sa kanyang kaalaman na nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng RT PCR machines at test kits sa kasagsagan ng muling paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa na hinihinalang dulot na ng omicron variant.
Ayon sa Pangulo mahalagang maisailalim sa COVID-19 test ang mga hinihinalang may sintomas upang agad na mailagay sa isolation ang mga magpopositibo sa coronavirus.
Inihayag ng Pangulo mayroon namang 7 bilyong pisong pondo ang DOH na nakapaloob sa 2022 national budget na magagamit para ipambili ng RT PCR machines at test kits.
Naniniwala ang Malakanyang na gold standard parin ang RT PCR test sa pagtukoy sa kaso ng COVID-19.
Vic Somintac