DTI humihingi ng dagdag pondo sa Senado, aabot lamang sa 7.9 billion ang inaprubahang budget
Humihingi ng dagdag na pondo ang Department of Trade and Indiustry sa Senado para tugisin ang mga nagsasamantala at umaabuso sa pagtataas ng presyo ng mga basic commodities at mga agricultural products.
Sa Budget Hearing sa Senado, sinabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual na aabot sa 21 billion ang hiningi nilang pondo sa DBM para sa 2024 pero aabot lang sa 7.9 billion ang inaprubahang budget
Kasama sa tinapyas ng DBM ang 300 million pesos na pondo para sa kanilang consumer protection group tulad ng inteligence, monitoring at enforcement
Wala ring nakalaang pondo para sa One Town One Product program ng DTI para sa susunod na taon
Nakasaad sa RA no. 11960 o ang OTOP Philippines Act na dapat ipino-promote ng DTI ang mga lokal na produkto ng mga MSME ng mga probinsya bilang promotion na rin ng mga tradisyon at kultura
“The 300 million essentially doing mobilize inter DTI strike team to go around the country augment increase enforcement activities nationwide, second on the vape bureau of philippine standards than major item consumer educational and advocacy.” pahayag ni Asec Mary Jean Pacheco, CPG – DTI
Walang ibinigay na commitment ang mga Senador
Hindi kasi masagot ng DTI ang tanong ng mga Senador kung ano ang gagawing aksyon laban sa mga umaabuso sa itinakdang price cap dahil wala silang police power.
Mismong ang DBM kasi hindi nakumbinse katunayang dalawang taon na silang walang pondo para sa consumer protection
“Ano ang mga estratehiya ninyo ano ang order, ano intel network ang gagamitn ano wala kayo police power kanino ninyo ipapasa gusto makita bago suportahan kailangan proteksyunan ang publiko sa nagmamanipulat nagtatakal kailangan ninyo kaming kumbinsihin na mayroon kayo kapasidad.” pagtatanong ni Senadora Loren Legarda
Depensa naman ng DTI, maraming trabaho na tinanggalan ng pondo ng DBM at umaasa silang aamyendahan ito ng Senado
Sa ngayon plano nilang bumuo ng isang quick response task force na siyang magmomoitor sa mga nagsasamantala sa presyo ng mga pagkain
“Marami pang naiatas sa amin na responsibilidad na bago ‘no. kamukha nung Internet Transactions Act, babantayan mo ‘yun, kung sinong platform nagbebenta ng fake products. Sino yung magdedeliver ng subquality that in accordance that has been promoted in the platform. Mga ganun. Bago ‘yun ano… Tapos yung vape law bago rin ano. So kailangan ding i-monitor, narinig siguro natin kanina na kailangan na namin ng equipment pang-test nung materials na ginagamit dun sa mga vape products.” paliwanag ni DTI Secretary Alfredo Pascual
Meanne Corvera