Family Tax Relief Act para makatulong sa mga mag-aaral sa kolehiyo, inihain sa Senado

0
angara

Kasabay ng nalalapit na muling pagbubukas ng klase, muli ring iginiit ni Senador Sonny Angara sa kanyang mga kapwa mambabatas na aprubahan na ang isang tax relief measure na naglalayong maging accessible sa lahat ng mga Filipino ang Tertiary education.

Katwiran ni Angara, nananatiling problema sa marami ang gastusin sa pag-paaaral sa kolehiyo.

Ang kanyang Senate Bill 131 o Family Tax Relief Act ay naglalayong amiyendahan ang National Internal Revenue Code of the Philippines.

Kapag naaprubahan, ang ginastos para sa matrikula sa Tertiary education na hindi lalampas sa fourty thousand pesos ay magiging tax deductible  mula sa gross income ng isang tax payer na nagpapa-aral sa kolehiyo.

Dahil dito, magiging maliit lamang ang halaga ng gross income na bubuwisan ng gobyerno.

Magiging malaki naman ang maiuuwi sa pamilya na makatutulong para sa karagdagang gastos tulad ng pamasahe, pangkain, at iba pang pang-araw-araw na gastusin ng kanilang nag-aaral na anak.

Iginiit ni Angara na hindi kawalan sa bansa ang mawawalang buwis sakaling ipatupad ito dahil magkakaroon ng maraming graduates ang bansa na kalaunan ay magbibigay ambag para sa patuloy na pagtatag ng ekonomiya.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *