Flood gate sa Roxas Boulevard binuksan na ng MMDA

0

Binuksan na ng MMDA at ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang flood gate na nasa bahagi ng Roxas Blvd., malapit sa Manila Yacth Club.

Mismong sina MMDA Chairman Ron Artes at Manila Mayor Isko Moreno ang nagtungo sa lugar para personal na makita ang pagbubukas ng flood gate.

Ang nasabing flood gate ay kinailangan pang gamitan ng crane para maiangat kung saan mananatili itong bukas hanggang panahon pa ng tag-ulan.

Isasara naman kapag panahon na ng tag-init upang kahit papaano ay maiwasan ang pagtaas ng coliform level sa Manila Bay.

Naglagay naman ng catch basin upang hindi umabot sa Manila Bay ang mga basura at may mga nakatalagang tauhan ng MMDA para linisin at hakutin ang mga basura.

Dahil dito, inaasahan na mababawasan o kahit papaaano ay hindi na magkakaroon ng baha sa bahagi ng Malate lalo na sa kahabaan ng Taft Avenue.

Archie Amado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *